Ipinaskil ni: gco122386 | 02.14.09

pag-ibig…

puso...puso...puso

puso...puso...puso

Magandang umaga sa ating lahat! Ngayon ay Feb. 14, 2009 at ito ang araw ng mga taong minsang nag-ambisyong makahanap ng taong mamahalin na nagtagumpay at nakahanap naman.

Napakahiwaga nga naman ng pag-ibig…kaya nitong baguhin ang lahat…kaya nitong paglapitin ang langit at lupa. Ngunit sa kabila ng mga ito, pag-ibig din ang nagturo sa atin kung paano maging masama..kung paano talikuran ang iba at bigyang daan ang pag-ibig kasama ang pinili nating minamahal.

Naaalala ko pa ang sabi ng aking propesor nung ako ay nasa kolehiyo pa lamang.

Ayung sa kanya…

“ang tao ay likas na mabuti…at pag-ibig lang ang bumabago sa kanya….

bakit nga ba nagnanakaw ang mga tao? ‘di ‘bat dahil sa pag-ibig? di nya gagawin ang magnakaw kung di nya mahal ang kanyang pamilya…ang kanyang mga mahal sa buhay…at ang kanyang sarili…dahil sa mga pag mamahal na ito natuto syang gumawa ng masama. Kung hindi importante sa kanya ang kayang pamilya ay hahayaan nalang niyang magutom ang mga ito…ngunit hindi, hindi ba? pinili nyang maging masama upang isalba ang kanyang pamilya o mga mahal sa buhay sa pagkagutom sa pamamagitan ng pagnanakaw…

isipin nating na ang lahat ng ito ay dahil sa sa pa-ibig…sa pamilya,mga mahal sa buhay at sa sarili.”

Mapapaisip ka nga naman sa kayang mga sinabi. Oo nga may punto si m’am! Ang pag-ibig ay ang lahat…at ang lahat ay may kinalaman sa pag-ibig.

Ngayong araw ng mga puso ‘wag nating kalimutan ang ating mga mahal sa buhay. Sayang naman ang araw na ito kung lilipas na di mo man lang nasasabi sa iyong mahal na gagawin mo ang lahat para sa kanya. Pasalamatan natin sila. Sila ang nagturo satin kung paano maging matatag..paano ang mangarap…kung paano ang mabuhay ng may pag-ibig.

Happy Valentines day sa lahat!

ps: iwasan ang mga lugar na ito…

1. Sta. Mesa…partikular ang old Valenzuela area.

2. Pasig

3. Pasay

4. Ermita

maraming gagawa ng bata kaya uniwas sa mga lugar na mga nabanggit…

mga otoy at mga ineng…wag sayangin ang mga katas…nakakabawas yan sa dapat sana’y mga magiging dakilang doktor,abugado,sundalo at mga guro  ng ating bayan! hahahahaha…kaya wag sayangin…ok? kopya?

About these ads

Responses

  1. Ingat tayo diyan!!!
    Hindi lahat ng nagsasabi ng pag-ibig ay totoong pag-ibig talaga ang ipinahahayag!!!
    kaya i-check muna natin!!!
    instinct and know the person first before the commitment!!!

  2. Kwento ng aking “KAIBIGAN”
    “MY ONLY ONE HEART”

    Ang kwentong ito ay tungkol sa aking kaibigan…”lovelife nya”. Na kahit malayo sila sa isat-isa ng kanyang nobya nakikita ko talaga ang kanilang tunay na pagmamahalan. Doon ko na realize na may “TOTOONG PAG-IBIG “ sana magustuhan nyo ito.”

    Sobrang mahal ni PRINCE si PRINCESS na kahit di sila nagkikita naipadama nila na mahal nila ang isat-isa. Pinatunayan ni Prince na si Princess lang talaga sa buhay nya at wala ng iba pa.At ganun rin si Princess, si Prince lang din ang nag-iisa sa puso nya. Nagagawa ni Prince ang mga bagay na di nya nagagawa dati dahil sa pag-ibig nya kay Princess. (di sya napilitan huh)….

    Sa PAG-IBIG talaga may nasasaktan at may nabibigo. Swerte nga ng kaibigan ko kasi sa pangatlo lang nya natagpuan ang tunay na pagmamahal at tunay na kaligayahan. Una nagkakilala lang sila sa friendster, tapos hanggang sa lagi silang nagchachat at nag-uusap sa cellphone..hanggang sa dumating ang punto na nahulog ang loob nila sa isat-isa. Hanggang sa isang araw niligawan ni Prince si Princess, hindi naman nagdadalawang isip si Princess na sagutin nya si Prince kasi nga sobrang mahal nya ito at sobrang mahal din niya si Princess. Kahit malayo man sila sa isat-isa….kahit hindi nila nahawakan ang isat-isa….Umaasa parin sila na darating din ang araw na sila ang magkakatuluyan…almost 1 year hindi pa sila nagkita ..(kc nga malayo sila…) pero para sa kanila hindi hadlang ang malayo…dahil doon nasusukat ang tunay na pagmamahalan….Sobrang saya nila dahil hindi nila inakala na baliw talaga sila sa isat-isa…Kahit ganun ang kanilang sitwasyon, hindi sila sumusuko. Sa isang taon at mahigit hindi man nila naranasan na mag-away sa isat-isa….Ginawa ni Prince na PRINSESA sa buhay nya si Princess upang wag lang itong masaktan dahil ayaw ni Prince na umiiyak ang kanyang Princess kasi sobrang nasasaktan sya pag ito ay umiyak. Wala na talagang mahihiling pa si Prince kundi ang makasama nya ang kanyang Princess sa tamang panahon at mahawakan man lang ito at mahalikan. Kay Princess lang natagpuan ang tunay na ligaya na matagal nang hinahanap ni Prince. Hanggang sa ngayon patuloy parin ang kanilang masayang relasyon. Sana sa bumabasa nito ay marealize nyo na “MAY TOTOONG PAG-IBIG”.

    Sana magbibigay din ito ng inspirasyon sa mga taong nasasaktan at taong takot na muling magmamahal pa….PAG-IBIG na hindi mo nararamdaman sa iba kundi sa kanya lang talaga….PAG-IBIG na handang umunawa….PAG-IBIG na handang magtiis at PAG-IBIG na handang maghintay…..Hanggang sa muli, umaasa ako na may nakukuha kayo sa story ng aking kaibigan…. na pinamagatang ” MY ONLY ONE HEART “..!!!

    More power of us..!!!

  3. oo nga maraming gumagawa ng mali dahil sa pag-ibig…pero dapat hindi sa lahat ng bagay ay gagawa tayo ng mali para sa mga minamahal natin…dahil sila ang nasasaktan…sila ang nahihirapan sa maling desisyon na ginagawa natin…sana naman kung nakagawa na tayo ng maling desisyon…hindi na sana ito maulit pa pa…paano kung makulong o paghigantihan ng masama ng taong naagrabyado niyo?.. sino ba ang maghihirap ang kalooban at masasaktan? diba ang mahal mo rin…mas higit na sakit at sakripisyo ang mararamdaman niya kapag may masamang mangyari sayo…di ba totoo?

  4. “pagnakagawa tau ng kasalanan o mali..wag nating hahayaan na maging ganito habang buhay..oncenakagawaka ng ganun..dour bestna hindi na iyon mauulit pah….

  5. ang ganda ng story sana maging inspirasyon ang pag ibig dahil sa pag ibig maraming taong nasasaktan ………………hindi lang isa kung di maraming taong nasasaktan sa mga pangloloko ng mga lalaki di nila alam na kahit malayo sa isa`t isa dapat natutu silang mag hintay at magmahal…………….

  6. ANG GNDA NG STORY,,,,, I LIKE IT

  7. ang pag ibig ay mgparaya…………

  8. ang gnda ng story sana mging inspirasyon to sa mga kabataang umiibig…..at ngaun i realize na ndi hadlang ang long distance relationship dahil dito ntin mkikitah ang trust ng bawat isa….

  9. I lyk the love story of ur frend,minsan mas mainam nga naman ang long distance relationshp kc dun mo masu2kat kung ganu ktatag ang inyng pgi2bgan.


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: