Ipinaskil ni: gco122386 | 02.25.09

ang Ash Wednesday…Bow!

croosMaaga akong nagtungo sa simbahan upang dumalo ng banal na misa para makapag pamarka na itim na krus sa noo. Nakaugalian na ng mga Pinoy at lahat ng Kristiyano sa iba’t ibang panig na mundo  ang pagdiriwang ng Ash Wednesday. Sumisimbolo ito sa pagbubukas ng panahon ng kwaresma o banal na panahon ng pag-aayuno. Kung ang mga Muslim ay may Ramadan, tayo namang mga kritiyano ay mayroong Holy week. Sa panahong ito ay pinagbabawal o hinihikayat ang mga kristiyano na huwag kumain ng kahit anong uri ng karne partikular na ang baboy at baka. Tignan mo nga naman ang nagawa ng pagkakataon, hindi  bat may Ebola Reston virus ngayon ang mga baboy na siyang pinakapaboritong karne ng mga pinoy? Tamang tama ang panahon na ito upang tayo ay huwag na munang kumain ng karne ng baboy at sa halip ay kumain na mga gulay, isda at iba pang lamang dagat <ingat sa red tide>.Wala pa namang sapat na patunay kung may epekto  nga ba o wala sa katawan ng tao ang Ebola Reston Virus na kumakalat sa mga babuyan ngayon sa hilagang bahagi ng bansa ngunit ang lahat ay pinapayuhan na huwag na munang kumain ng karneng baboy upang makaiwas sa posibleng pinsalang dulot nito.

Sa misa kanina napansin ko na halos lahat ay nagmamadali at para bang may hinahabol. Oo nga pala regular na araw ito para sa mga manggagawa kaya di sila maaaring lumagi ng matagal sa simbahan dahil baka sila ay abutan ng matinding trapik at mahuli sa kanilang pinapasukan. Alam nyo ba na sa ibang bansa ay holiday kapag Ash Wednesday? Opo, tama po ang inyong nabasa ganoon sila magbigay ng importansya sa araw na ito. Sa Indonesia na kilala bilang natatanging Muslim country sa asya ay nagbibigay ng matinding importansya sa araw na ito. 90% na papulasyon ng Indonesia ay mga Muslim at 10% lamang ang mga Kristiyano ngunit ang araw na ito sa Indonesia ay Holiday bilang pagbibigay daan sa nakaugalian ng 10% ng kanilang papulasyon. Ibig sabihin kahit na duminante ang mga Muslim sa kanilang bansa ay nabibigyan pa rin ng patas at sapat na pag galang ang mga paniniwala ng mga Kristiyano. Tunay ngang nakakatuwa.

Noong ako ay bata pa ang laging tanung na nasa isip ko ay “ano yung abo na yun?” “galing yun saan?” Nasagot ko ito nung ako ay lumaki na. Na ang abo na yun ay sinunog na palaspas. Ngayon naman ang tanung ko…”bakit palaspas ang sinusunog? ” hindi ba pwedeng ibang bagay?”

Aaminin ko na di ako mahilig magbasa ng Bibliya kaya parating maraming tanung ang nabubuo sa aking isip tungkol sa mga nakaugalian ng mga Kristiyano. Una, ano nga ba ang sinisimbolo ng itim na markang iyon. Pangalawa, bakit sa noo nilalagay? at bakit pag pari eh sa mismong tuktok ng ulo nila nilalagay? at pangatlo, bawal bang punasan yung marka? Bawal ba talagang mabura siya sa sinadyang paraan?

Ano man ang sagot ay di ko na balak pang usisain ng lubos. Basta ang mahalaga ay naniniwala ako na andyan Siya at tinutulungan nya ako sa lahat ng ginagawa ko.

About these ads

Mga Tugon

  1. okey pala sa indonesia, holiday kapag ash wednesday, salamat sa info.

    -at after ng ash wednesday may tinatawag sila na KHAHMIS AGONG nagbibigay yung mga kristiyano ng kung ano man sa mga ampunan…

  2. okey yun ah :)

  3. well kanya kanya naman tayong paniniwala e, basta naniniwala ako na may diyos, naniniwala ako sa kanya na lumikha sa atin lahat, tayo ay mula sa alikabok at magbabalik sa din alikabok, lahat ay may katapusan kaya dapat handa ka kung anu man ang patutunguhan ng sanlibutan… kaya gawin na natin ang nararapat.. oi malapit na holy week na aalay lakad kami mula sa bahay namin sa guadalupe hanggang antipolo church lakad lang ah maudy thursday 3pm alis na kami ng mga kapatid ko… join ka…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: