All I can say is WOW! Sobrang dalang na manood ako ng Tagalog movies pero dahil nagandahan ako sa trailer ng “No other woman“ pinilit ko na makapanood.
Akala ko hindi gaanong malakas ang hatak ni Christine Reyes, Anne Curtis at Derek Ramsay pero mula sa 2pm screening up until madaling araw na screening lahat ay SRO. Salamat nalang at naka M-PASS ako kaya hindi ko na kailangang pumila.
Simple lang naman yung kwento pero maganda ang pagkakalatag…maraming nakakatawang at nakakaiyak na eksena.
Iba yung dating ng mga dialogues ng mga characters. Maganda ang dilivery…tama ang timing at higit sa lahat bago sa pandinig.
Ayoko munang i-kwento ng buong buo kasi baka hindi na kayo manood…hehehe..Pero seriously, napakaganda ng movie na ‘to.

wew! excited nko manood bukaz!
Ni: gelaikuting noong 10.09.11
sa 7:43 umaga