Ipinaskil ni: gco122386 | 09.30.11

No other woman

All I can say is WOW! Sobrang dalang na manood ako ng Tagalog movies pero dahil nagandahan ako  sa trailer ng “No other woman”  pinilit ko na makapanood.

Akala ko hindi gaanong malakas ang hatak ni Christine Reyes, Anne Curtis at Derek Ramsay pero mula sa 2pm screening up until madaling araw na screening lahat ay SRO. Salamat nalang at naka M-PASS ako kaya hindi ko na kailangang pumila.

Simple lang naman yung kwento pero maganda ang pagkakalatag…maraming nakakatawang at nakakaiyak na eksena.

Iba yung dating ng mga dialogues ng mga characters. Maganda ang dilivery…tama ang timing at higit sa lahat bago sa pandinig.

Ayoko munang i-kwento ng buong buo kasi baka hindi na kayo manood…hehehe..Pero seriously, napakaganda ng movie na ‘to.

Ipinaskil ni: gco122386 | 07.04.09

my final post….

nanghihinayang ako…pero wala rin naman ng silbi…(as if may maaapektuhan..) mula ngayon….di na ako mag popost ng kahit ano sa blog site na ito. Alam ko wala namang mag rereact kasi di naman ako sikat sa site na to…hehehe (di ako bitter ha) Maraming rason pero di ko pwedeng sabihin kasi komplikado…

Salamat sa lahat ng dumalaw sa munting blog ko…nag papasalamat ako sa lahat ng taong kahit papaano eh nakausap ko dahil sa blog na ito. Kahit sandali lang yun eh di ko kayo malilimutan…andun kayo noong mga panahong itong blog lang na ito ang karamay ko sa lahat ng mabibigat na bagay na pinagdaanan ko….Salamat sa mga nag-comment sa mga post ko…

Iba pala ang pakiramdam kapag pinipilit mong labanan yung nararamdaman mo…ang hirap pala pag gusto mo ng mag paalam pero ayaw mo naman talaga… Ang sarap sa pakiramdam nung nabuo ko itong blog page na ‘to pero mas nakakalungkot na kailangan ko na syang iwan.

Bago matapos ang lahat gusto ko pong magpasalamat  sa taong nag dala sakin sa blog site na ito…kung hindi dahil sa kanya wala ‘tong blog ko na to…papangalanan ko pa ba? hehehe…Otep salamat! Hayaan mo tinandaan ko lahat ng bilin mo…pati yung pinagawa mo natapos ko na…Salamat parekoi ha… Pag may kailangan eh alam mo na kung paano ako hahanapin.

Ang sama tuloy sa pakiramdam ko…haist!  Bye po…till our road meet somewhere else again…

di ko binura…sayang eh…hayaan ko lang na open pero di ko na gagamitin…

ang aking mga kwento….now signing off..

Ipinaskil ni: gco122386 | 07.04.09

My weekly schedule…

Natutuwa ako kasi nahulaan ko yung pahulaan ni Hamster…pero ang siste eh mukhang di matutuloy kasi ang “gen” ay inenterpret ng “again” at ayun naging bad ako sa panigin nya…hahaha…pero ok na…naayos naman na namin…nag sorry na ko…nag sorry na rin sya..update nalang namin kayo kung kelan ang kasal…hehehe…but wait mr. hamtaro wala pa yung hinihintay ko ha..hehehe

Sumasakit na ang katawan ko sa dami ng ginagawa ko. Opo marami po akong pinag kakaabalahan…kahit nakaupo ako mag hapon kakapagod pa rin kaya…

Schedule ko…

Monday – Thursday

6:30-     Gigising

7:15-      Papasok sa opisna

8:00-     opisina…tawag dito, appointments, type, tawag sa principal,  Guidance

Counselor

for traning and Seminars…Update for the event…print dito…print dyan…

12:00-   lunch (looking forward na par sa uwian)

1:00-      Balik trabaho…yun ulit…event event event.

5:00-      Uwian…salamat!

6:00-     Asa bahay na sa Taguig…pahinga ng konti…bihis..open PC

7:00-     Kain ng Dinner

8:00-     gawa ng course outline

9:30-     Tulog na…

Ganyan ako  pag monday hanggang Thursday…

Friday

6:30-     Gigising

7:15-      Papasok sa opisna

8:00-     opisina sa makati…tawag dito, appointments, type, tawag sa principal, Guidance

Counselor for traning and Seminars…Update for the event…print dito…print

dyan…

12:00-   lunch (looking forward na par sa uwian)

1:00-     Balik trabaho…yun ulit…event event event.

5:00-    Uwian…Pero sa Laguna ang tuloy

8:00-    Asa bahay na ni partner

9:00-    Kain sa pinakamalpit na fast food chain na bente four hours bukas

11:00-  Uwi na sa bahay

12:00-  Loving Loving with may ever dearest and oh so demanding partner! hahaha

3:00-    Tulog na!

Saturday

4:00-     Maagang bumabangon kasi malayo pa ang dapat lakbayin papuntang bulacan

naman!

4:30-    ALis na ng bahay – Kiss kay partner….hug at kunting kapilyuhan…hehehehe 9:00-    Bulacan na! Magtuturo na kuno..hehehe

12:00-  Lunch

1:00-    Turo ulit

5:00-    sibat sa School

7:30-    asa bahay na sa Taguig

8:00-    Maglalaba ng sangkaterbang damit…ipopower LG na yan…hehehe

10:00-  Kain ng dinner

11:30-  Tulog ZZZzzzzZZzzZzzz

Sunday

5:00-     Gigising na ulit

5:45-      Aalis na papuntang Laguna Ulit

7:30-     Laguna na…gigisingin na si partner ng isang matinding kiss and hug…

9:00-     Breakfast

10:00-  Quality Time with my partner…uyyyyy..hehehe

12:00-  Lunch

1:00-     Power Nap with my partner ulit

4:00-    gising kasi magsisimba na

5:30-    ALis ng bahay para magsimba

6:00-    Mass sa St. Francis Church Cabuyao

7:00-    End of mass na at pupunta na kami sa balibago para mag dinner.

9:00-    End of Dinner and date with my partner Uwi na sya sa Cabuyao…ako naman

uwi   na sa Taguig.

10:30-  Asa bahay na sa Taguig

11:00-  Tilog na…

then monday na ulit…

See see see…ang hirap mag balanse ng schedule ha…kailangang kahit busy eh may qulity time pa rin kay partner. At kailangan kahit may partner eh di affected dapat ang trabaho… Ngayon ko lang naiisip na ang hirap pala talaga na dalawa ang trabaho…pero wala naman akong magagawa kasi po ginusto ko ‘to at saka malaking tulong sya sa pag iipon ko… kahit sobrang patang pata na ko sa kaka trabaho at pag aasikaso ng mga personal na bagay sa life ko eh ok lang…Smile pa rin! hehehe at sa mga taong gusto makita ako ng personal dapat ngayon palang mag papabook na kayo ng appointment hehehehe…para alam ko kung kelan nyo gusto at kung anong time at date ako pwedeng makipagkita sa inyo.

Ipinaskil ni: gco122386 | 06.25.09

Charice Pempengco and Brent Chua

company picture with Charice Pempengco and Brent Chua…

brent at inter-ed

brent at inter-ed

charice at inter-ed

charice at inter-ed

Ipinaskil ni: gco122386 | 06.03.09

17 minutes story

MRT3_Shaw2

6:13pm – Sumakay ako ng mrt sa Buendia…

Siksikan at tulakan talaga. Parati namang ganito sa MRT basta ganitong mga oras pero walang akong magagawa kasi nag mamadali ako na makapunta sa Cubao. Gaya ng dati may mga tao paring nakataas ang kamay at inaabot ng pilit ang mga hawakan para di matumba habang umaandar ang tren yun nga lang eh minsan di maiwasang may mabaho…meron di namang tama lang…meron din namang parang naligo sa pabango at amoy papasok palang ng opisina kahit hapon na. Pero may napansin ako, actually lagi namang may ganito sa mrt eh. Nagkatitigan kami ng lalake sa harapan ko mukha naman syang totoong lalaki…sige titig lang sya ng titig…

6:15pm – Guadalupe Station

Walang gumagalaw sa kinatatayuan…kaming dalawa mag katitig pa rin. Gusto ko syang tanungin kung ano ba talaga ang gusto nya…maya maya lumapit ang isa pang lalaki. Para kaming naka triangular position. yung isa nakatalikod sa amin pero nakisiksik sa pagitan namin.

6:17pm – Boni station

Yung isang lalake na sumisiksik nakita ko may kinakalabit sa harapan nung isa pang lalake. di ko pinansin…

6:19 pm boni sation

tuloy pa rin ang isang lalake sa ginagawa nya…umayos lang sya ng posisyon at inayos ang bag para maitago ang ginagawa.

6:21 pm Shaw blvd. satation

aha! alam ko na ang ginagawa nya. Anak ng wateng wateng ang mokong hinihipuan na ang isang lalake at mukhang nag eenjoy naman yung makyak din atang lalake na katitigan ko kanina.

6:24pm Ortigas station

lalong sumiksik yung lalake sa pagitan namin nung isa pang lalake and “ohhhh…iba ka dude!” yan ang isinisigaw ng utak ko ng bigla nyang dakmain ang manoy ko…grabe..para akong nakuryente…aba’t akalain mong bading pala si gago…ang gwapo…ganda ng tindig pero namimisil din pala ng mga ibon…aaminin ko na nag eenjoy ako sa ginagawa nya kaya hinayaan ko lang…

6:26pm Santolan station…

…di nakatiis yung isa at nakihawak din pero mas matindi ang ginawa ipinasok ang kamay sa loob ng pantalon ko…pero di ko kinaya nahiya ako bigla at tinanggal ko yung kamay nya sa loob ng pants ko. yung isa nakuntento sa paghimas sa lamas ng pants ko.

6:28pm Cubao Station

Nagkangitian kami nung isang lalake. ewan ko rin kung bakit pero napangiti nalang kami. hikhik!

6:29pmLabas ng tren sa Cubao…

…walang salitang lumabas sa bibig namin mula nung sumakay ako sa buendia station. tuloy  lang hanggang dumikit ulit sa escalator pababa ng station…nakalagay sa screen ang phone nya ano daw number ko…ako naman binigay ko…

6:30pm Naghiwalay na kami ng daan. ayun text text…getting to know each other and drama…naku malala na ko…iba na mga gawain ko…

Ipinaskil ni: gco122386 | 05.14.09

May dragon din ba sa opisina nyo?

Hindi ko na kaya! huhuhu

Kada papasok ako eh ang bigat bigat ng pakiramdam ko! Sobrang iba talaga yung pakiramdam pag nasa opisian ka at ang amo mo eh walang konsidersyon, Jologs,mahadera, palengkera,laitera pero mismong sya di kaigaigaya ang itsura at higit sa lahat eh dunong dunungan!

Oo nag aral sya sa New hamshire University pero di ko sya makitaan ng kahit konting talino sa kung papaano sya makitungo sa amin.hay nakakahigh blood! Di na ko nag tataka ngayon kung bakit halos lahat ng empleyado nya eh nag reresign. Halos every month eh may nag reresign! at isa lang ibig sabihin nun,hindi sya feel ng mga empleyado.bwuhahahaha!

Pag papasok ako inisip ko na lang na sa bawat pag bukas ko ng pintuan ng  opisina ay isang magandang tanawin at payapang lugar ang aking papasukin.

Noong una palang talagang bagot na bagot ako pag nasa opisina pero nakahanap ako ng solusyon para dito. Una, sinusulat ko lahat ng sinasabi ng boss namin at pag katapos eh titignan ko lahat ng mali sa sinabi nya. Parati kasi syang wrong grammar mag-english gaya ng “Have you already  done that before?” hahaha…di ba? Kumusta naman yun! Mapapatumbling ka talaga pag narinig mo sya mag-english. Ito pa ang isa “he keep on calling” Ang unang pag kakamali, babae yung tinutukoy nya, pangalawang kakamali, ang basic rule sa english grammar ay di nasunod. Dapat pag ang subject ay singular dapat singular din ang verb! yan ba ang nag-aral sa isang prestigious school ek ek? Eh buti pa pala sa school na pinanggalingan ko eh itinututro yung mga ganung bagay.

Aliw na aliw ako pag nag sasalita sya kasi alam ko na marami akong maisusulat na mga mali sa sinsabi nya. At dahil dun tawa kami ng tawa ng mga kasamahan ko sa trabaho. hahahaha…nag karoon tuloy kami ng libangan! hehehe…

pangalawang libangan ko ay ang titigan sya parati dahil kamukha nya si eugene domingo kaya pag nakikita ko sya eh aliw na aliw ako sa itsura nya. Napapangisi ako pag nasisiliyan ko sya. hehehe….

pang 3rd na libangan ko ay ang magTOoooooOOOOT…hehehe…censored! hehehe…wala lang! Since di ko magawa sa bahay kasi wala ng time eh sa opisina pwede namang magwa eh at pampagising pa yun. Hehehehe..

Pang apat na gawain ko sa opisina ay ang mag internet! as in todo internet! Skype…skype…skype…hehehe…ayoko ng ym..wala akong true friend dun…hihihi…

Masaya kami sa opisina…as in masaya…pero sana wala sya parati kasi sya lang talaga ang di namin gusto sa opisina…Ang dami naming natatapos pag wala sya…..at sana parati syang wala…

Ipinaskil ni: gco122386 | 05.14.09

MISS PHILIPPINES-EARTH 2009 v. 2

Patapos na at niluluma na ng ibang balita ang Miss Philippines -Earth eh  ni minsan di ko man lang nakita sa TV kung anong nangyari sa Miss Philippines Earth. Wala akong panahon para manood ng TV sa ngayon dahil busy ako sa trabaho at sa pag aayos ng mga kailang ko para makapagturo.Gusto ko kasi dalawa ang trabaho ko. Mondays-Fridays sa IES ako at Saturdays naman sa BPC…parehong educatioanl Institution pero mag kaiba ng mga produkto at serbisyong inihahatid sa publiko.

Going back to the Miss Philippines- Earth 2009. Gusto ko sanang manood ng live sa San Juan nung Sunday pero di natuloy kasi nag back out ako sa usapan namin nung wala sa hulog na kausap ko. Bakit ako nag back-out? kasi ayoko mag suot ng mainit sa katawan.In short ayoko mag-usot ng formal attire. Nag text ako dun sa kausap ko gabi palang ng saturday at sa di malamang kadahilanan eh di nya yata nabasa yung text ko at nag punta sya mag-isa sa tagpunan sana namin nung araw na yun. Ayun si mokong nagalit sakin. Eh ang sabi ko naman eh hindi ko aakuing kasalanan ko yun kasi di ko naman talaga intensyong mang-indian. Pero mukhang nabanas ata sakin ng husto yung kausap ko at ang sabi eh “nice game! naisahan mo ko dun!” NAg init ang ulo ko sa nabasa ko! Aba kasalanan ko ba kung hindi nya narecieve yung bwakanang-inang text ko sa kanya…LUmabas pa tuloy na parang ako ang walang konsiderasyon at di ako sumipot…Hello! with a capital “H” Wala akong planong sumira sa mga kumpormiso ko noh…eh kaso wala naman talaga akong panagako na tutuloy ako. Ewan ko kung mag paparamdam pa sya ulit sakin dahil nagmukha na naman akong BAD sa patingin nya.

Pero ok lang…nag sori na ko sa kanya..i think its enough.

pero tumuloy naman daw sya sa San juan para manood at mukhang naenjoy naman sya. Hindi ko nag lang alam kung nag enjoy sa sa kakapanood ng mga babaeng rumarampa or mga photographers na boys…hehehe Peace out! wab you! (wink)
Ayaw pa kasing sabihin kung mahal ako or hindi eh…(LAkas!) hehehe

Ipinaskil ni: gco122386 | 04.28.09

ang pansit na alanganin…bow

Nagpunta ako kagabi sa isang lugar kung saan kilala ang pansit…dumayo talaga ako dun para makabili ng pansit na pasalubong ko sa aking mahal na mahal na asawa…opo, tama ang dinig nyo…may asawa na po ako…live-in partnet palang, di pa kami kasal. Alam ko magugustuhan nya ang pasalubong ko.

Bakit nga ba Pancit na Alanganin ang tltle ng entry ko na to? Kasi ang binili ko na pasalubong ay Pancit Alanganin. Isang luto ng pancit na Alanganin ang pagkatuyo at pagkabasa. pag titignan mo sya parang over sa tubig ang pakakaluto pero di naman sya masabaw kaya ang tawag sa kanya ay pancit alanganin.

Ang sarap nung pansit…dalawa ang binili ko kasi mura lang naman…68 pesos pang dalawang tao na…Naubos ko dun palang sa resto na pinagbilan ko yung unang balot ng pansit at yung pangalawa ay pinangpasalubong ko sa asawa ko.

Babalik ako dun kasi lapit na ng fiesta dun kaya pihado babaha ng pansit! hehehe

Chalap chalap!

Ipinaskil ni: gco122386 | 04.27.09

magpakatao ka nga…

ano ang sasabihin mo sa ex mo na di nagparamdam ng matagal na panahon at alam mo na ginago ka nya nung panahong naging kayo at sa muling pagpaparamdam nya ay mangungutang lang sya? ang sakit di ba? gago ba sya o talagang ganun lang talaga sya!


HAYOP KA! MAGPAKATAO KA!

Ipinaskil ni: gco122386 | 04.27.09

paksiyet!

Halos isang buwan at kalahati ko ng di nabibisita ang blog ko na ito. Mula ng nagkaroon ako ng trabaho ay di ko na nabigyan ng oras ang pag gawa ng entry para sa blog ko at manilip ng ibang blog dito sa word press.

ang lungkot lungkot…sobrang ang lungkot lungkot….

Ano bang klaseng karma ang dumapo sakin at hanggang ngayon di ko pa rin makita ang kasiyahan ko sa pagpasok sa opisinang ito. Nung una akong pumasok excited pa ko at ganadong ganado. Pero bakit nitong mga nagdaaang araw ay tila nag iiba na ang lahat. Nananamlay na akong pumasok…parating late..inaantok…wala sa mood parati…kape ng kape…chat ng chat…bakit parang tinamaan ako ng matinding katamaran at di ko mahugot sa sarili ko yung tamang attitude sa pagtatrabaho…gusto ko ng umalis pero biglang nag-offer ang may ari ng pinapasukan ko…

may-ari: stay with my compny for 3 yrs. at ako na ang bahala sa visa mo. Mag    migrate ka kahit saang bansa mo gusto at sasagutin ko.

Sino na ba namang tao ang di kakagat sa offer na ganyan di ba? ano pang isasagot ko kundi sige ok lang…kaya pa naman…huhuhuhuhu…tagos sa ilong yun noh as in lahat ng hangin na galing sa bronchial sacks ng baga ko eh sa ilong lahat dumaan at di sa bibig…grabe! as in todo na to! parang di ko kakayanin waaaaaaaaaaaaaah! Sabi nga ni Ted Failon, “ang pinakamadaling paraan na yata para matapos ang mga problema ay ang magbaril sa ulo” mukhang tama sya…may punto pero kawawa naman lahat ng taong nagmamahal sakin…

sariwa pa sa isip ko yung nakita ko na taong nakabulagta sa harap ng opisina namin…tumalon mula sa 9th floor…ayon, si tae walang bahid ng dugo…walang marka ng paghihirap…ang galing galing…pero panu naman yung mga naiwan nyang mga mahal sa buhay? mag hihirap pa lalo dahil walang makukuhang pampalibing mula sa kumpanya dahil di sagot ng insurance policy ng kumpanya ang ganung klase ng pagkamatay. kawawang pamilya…tsk tsk tsk…ayoko mangyari sa pamilya ko yun…baka mabuang na ang nanay ko pag nagkataon.

ang bigat sa dibdib…parang hydrogen gas sa mga posonegro na gustong kumawala! ayoko na! susuko na ata ako…

makailang ulit na ba akong nagpost ng mga masalimoot na bahagi ng buhay ko dito? halos ata lahat eh malungkot…halos lahat eh kabiguan…for a chance Lord (for crying out loud!) ibalik mo na ko sa dati…yung talagang ako…huhuhu

Ipinaskil ni: gco122386 | 03.14.09

habulan tayo ate….

Kanina nagpunta ako sa bangko para magdeposito so pag dating ko sa bangko eh nag fil-up ako ng form at pumila na sa counter. Ilang sandali pa ang lumipas ay may sumigay na ng “NEXT!” Ako na ang pinapalapit at dahil nakaheadphones ako ay di ko ito agad narinig (pasensya na kasi bago laman ng i-pod ko kaya ninanamnam ko ng lubos! hahaha) naging maayos naman ang aking pagdedeposito at agad akong lumabas ng nagko para magtungo sa pinakamala[it na mall. Lakad…lakad…lakad…tawid ng kalsada…lakad ulit papunta sa direksyon ng mall. Di ko pinapansin yung mga nasa paligid ko kasi sobra akong nagfocus sa pakikinig ko ng mga kanta. Ilang hakbang bago ako makapasok ng mall ay may kumalabit sakin. Nagtaka ako kung sino at kung bakit. Paglingon ko eh yung kahera pala sa bangko na trumabaho sa deposito ko kanina hinihingal pa si ate

Ang sabi nya sakin…

KAHERA: Sir mali po yung nilagay nyo na name sa deposit slip. Di po nag match sa

account number…

GEN: ha? (syempre nakaheadset pa rin ako nyan…hahaha) tinanggal ko ang headset at

imulit ng babae ang kanyang sinabi.

Pareho kaming bumalik sa bangko at inayos ang sinasabi nyang problema. Ayun mali nga ang nailagay ko. Ibang pangalan ang naisulat ko. Naawa ako dun sa kahera kasi medyo malayo yung bangko sa mall kaya ayun nakapagwork-out tuloy sya ng di oras. hahaha

Next time ate habulan tayo ulit!

Ate habulin mo ko! hahahaha

Ipinaskil ni: gco122386 | 03.12.09

may trabaho na ko!

Sa wakas!

Pag gising ko kanina di masyadong maganda ang gising ko. Kasi papaano ba naman gaganda ang gising mo kung gigisingin ka ng landlord mo at sasabihin lang naman na daraaan na ang truck ng basura eh may truck pa namang dadaan bukas! Naudlot tuloy nag magandang pagtulog ko.

Ito na…kanina ay nagtungo ako sa Makati para puntahan yung kumpanya na tumawagsakin kahapon. nang dumating ako sa lugar na aking patutunguhan ay may nagwewelga pa sa harap ng building ewan ko kung bakit dahil di ko naman na pinansin. Wala akong paki sa kanila…hahahaha..busy ako para umusiyoso pa doon. Nang marating ko ang opisinang aking pupuntahan ay isa kang ang nasambit ko at ito ay WOW! ang ayos ng kanilang opisina. Napakaaliwalas! Ang ganda ng mga muebles! pang mayaman talaga! hehehe… Located sila sa Trafalgar Plaza sa Makati.

At nagsimula na nga…nga take ako ng exam..Ininterview ng apat na beses. At ang ending? Tanggap ako syempre! Ang babait nila…ang gaan nila kausap at parating nakangiti! haYyYyYyYyYyYyYyYyYyYy….Ang sarap ng pakiramdam na may trabaho na ulit! hehehehe…naku may pera na naman ako! wahahahahaha…Nga pala di ko pa nasasabi…International Placement School po yung papasukan ko….hehehe

happy_business_man_outside-891x4431

Ipinaskil ni: gco122386 | 03.03.09

para sayo to…basahin mo

bitterness

Wala akong balak pahabain kung ano yung pinaparamdam mo sakin. Kung ayaw mo, ok lang. Di ko balak ipagsiksikan ang sarili ko sa isang taong walang pagpapahalaga sa iniisip ng iba. Makasarili ka! sinusolo mo lahat ng nararamdaman mo kaya pati ako nagkakaganito. Di mo man lang inisip kung ano yung nagawa nito sakin. Wala akong pakialam kung ayaw mo ko kausapin…kung ayaw mo magpakita…kung ayaw mo ko…OK LANG! pero wag mo akong ganituhin…magpaalam ka ng maayos! di ako nagpakita ng kahit anong kagaspangan ng ugali sayo kaya sana ibalik mo naman yung respetong binigay ko sayo! Alam ko mababasa mo to at alam ko na di ka man lang sasagot sa kahit anong mang paraan. Well ganyan talaga…Isa lang masasabi ko… Tandaan mo parati…kung di man naging ayos para sa atin ang lahat, kagustuhan mo na yan, wala na akong magagawa. Siguro nga di mo na ko kailangan…siguro nga ay ok ka na…kaya wala na akong lugar sayo. Ingat ka nalang.. Torpe..Engot…Pasaway…Ok Ok Ok…salamat ha…ngayon may natutunan ako…di lahat ng mukhang mabait di nakasakit!

Ipinaskil ni: gco122386 | 02.28.09

poster…

Good PM guys!

Gumawa ako ng poster tungkol sa isang seminar about sa Kidney operations  ngayong umaga…pero di ko alam

kung maganda.. Pinagawa  ng kaibigan ko

Tignan nyo nga kung ok lang…

poster

Ipinaskil ni: gco122386 | 02.27.09

Torpe…Engot…Pasaway…

para sayo…

Mula nung araw na makilala kita alam ko na may misyon akong dapat tuparin sayo. Alam ko na may kung ano ang nagtulak sakin para bigyan ka ng espesyal na atensyon. Di ko masabi kung ano yung misyon na yun basta ang alam ko kailangan mo ang tulong ko.

Pinilit ko na hanguhin ka sa kinalalagyan mo ngayon…palagian kitang kinumusta… palagiang pinipilit kumain sa tamang oras…parating inuurirat kung nakauwi ka na..at parating kinukulit na wag ng malungkot pa. Nahirapan akong huliin ang ugali mo minsan pa nga ay napipikon na ako pero sige lang ng sige nagbakasakali pa rin ako.

Umabot sa punto na pakiramdam ko hindi ako nakakatulong sayo kaya minarapat ko ang tumigil at pansamantalang hayaan ka na makapag -isip. Nang ako ay bumalik at muli kang alalayan ay pinilit ko na muling buhayin at ibalik sa normal mong buhay ngunit ganun ka pa rin…wala pa rin nag iba…Ano ba talaga ang gusto mo? ano ba talaga ang pwede kong gawin? wala ka na ba talagang balak na bumalik sa dati at pinapagod ko lang ang sarili ko?

At ngayon iba na…inamin mo sakin ang isang bagay na ikinagulat ko…di ko inaasahan na  ako ay gusto mo? Ano ba ang dapat kung gawin? di ko alam kung paano ako magsisimula.

di ka kasi sana naging torpe…di sana ok na…

Ipinaskil ni: gco122386 | 02.25.09

ang Ash Wednesday…Bow!

croosMaaga akong nagtungo sa simbahan upang dumalo ng banal na misa para makapag pamarka na itim na krus sa noo. Nakaugalian na ng mga Pinoy at lahat ng Kristiyano sa iba’t ibang panig na mundo  ang pagdiriwang ng Ash Wednesday. Sumisimbolo ito sa pagbubukas ng panahon ng kwaresma o banal na panahon ng pag-aayuno. Kung ang mga Muslim ay may Ramadan, tayo namang mga kritiyano ay mayroong Holy week. Sa panahong ito ay pinagbabawal o hinihikayat ang mga kristiyano na huwag kumain ng kahit anong uri ng karne partikular na ang baboy at baka. Tignan mo nga naman ang nagawa ng pagkakataon, hindi  bat may Ebola Reston virus ngayon ang mga baboy na siyang pinakapaboritong karne ng mga pinoy? Tamang tama ang panahon na ito upang tayo ay huwag na munang kumain ng karne ng baboy at sa halip ay kumain na mga gulay, isda at iba pang lamang dagat <ingat sa red tide>.Wala pa namang sapat na patunay kung may epekto  nga ba o wala sa katawan ng tao ang Ebola Reston Virus na kumakalat sa mga babuyan ngayon sa hilagang bahagi ng bansa ngunit ang lahat ay pinapayuhan na huwag na munang kumain ng karneng baboy upang makaiwas sa posibleng pinsalang dulot nito.

Sa misa kanina napansin ko na halos lahat ay nagmamadali at para bang may hinahabol. Oo nga pala regular na araw ito para sa mga manggagawa kaya di sila maaaring lumagi ng matagal sa simbahan dahil baka sila ay abutan ng matinding trapik at mahuli sa kanilang pinapasukan. Alam nyo ba na sa ibang bansa ay holiday kapag Ash Wednesday? Opo, tama po ang inyong nabasa ganoon sila magbigay ng importansya sa araw na ito. Sa Indonesia na kilala bilang natatanging Muslim country sa asya ay nagbibigay ng matinding importansya sa araw na ito. 90% na papulasyon ng Indonesia ay mga Muslim at 10% lamang ang mga Kristiyano ngunit ang araw na ito sa Indonesia ay Holiday bilang pagbibigay daan sa nakaugalian ng 10% ng kanilang papulasyon. Ibig sabihin kahit na duminante ang mga Muslim sa kanilang bansa ay nabibigyan pa rin ng patas at sapat na pag galang ang mga paniniwala ng mga Kristiyano. Tunay ngang nakakatuwa.

Noong ako ay bata pa ang laging tanung na nasa isip ko ay “ano yung abo na yun?” “galing yun saan?” Nasagot ko ito nung ako ay lumaki na. Na ang abo na yun ay sinunog na palaspas. Ngayon naman ang tanung ko…”bakit palaspas ang sinusunog? ” hindi ba pwedeng ibang bagay?”

Aaminin ko na di ako mahilig magbasa ng Bibliya kaya parating maraming tanung ang nabubuo sa aking isip tungkol sa mga nakaugalian ng mga Kristiyano. Una, ano nga ba ang sinisimbolo ng itim na markang iyon. Pangalawa, bakit sa noo nilalagay? at bakit pag pari eh sa mismong tuktok ng ulo nila nilalagay? at pangatlo, bawal bang punasan yung marka? Bawal ba talagang mabura siya sa sinadyang paraan?

Ano man ang sagot ay di ko na balak pang usisain ng lubos. Basta ang mahalaga ay naniniwala ako na andyan Siya at tinutulungan nya ako sa lahat ng ginagawa ko.

Ipinaskil ni: gco122386 | 02.23.09

Maghanda na ang mga Briton…parating na ako!

Sa susunod na buwan kung papalarin ay lilipad ako patungong UK. Bakit? Ako ay sasama sa aking kaibigan para samahan siya sa doon. Alam ko na iniisip nyo na doon na rin ako titira ngunit nagkakamali kayo dahil tutlungan ko lamang sya habang siya ay bago palang sa lugar na iyon.

Pero sanadali lang…sa pagkakatanda ko eh di pa ako nakaka-OO sa kaibigan ko. Nag aalangan kasi ako baka ‘di nya na ko pauwiin. huhuhu… Baka maging aliping sagigilid ako dun  ng  wala sa oras! nyak! hehehe. Pero baka pumayag ako…pero parang ayaw ko talaga..ano ba kuya! Ang gulo ko!

Kung sakali man na matutuloy ako sa pag alis ay titiyakin ko na makakabalik ako. Ayoko tumira dun noh! at mas lalong di kami pwedeng magsama at baka ako’y magasaha! hehehe…basta…mga Briton ready na ba kayo? hehehehe ako di pa eh…hehehehe

Good morning everyone!

Ipinaskil ni: gco122386 | 02.22.09

miss ko…sobra…

Ang dami na palang nagdaan..ang dami na palang mga bagay ang lumipas ng di ko namamalayan…May mga bagay na napakasarap balikan at may mga bagay din namang di mo na hahangarin pang muling sulyapan.

Ngayon ay dadalhin ko kayo sa mundo kung saan minsan ay naging parte ng buhay ko. Ilang mga lugar at pangyayari na di ko makakalimutan at mga bagay na sana maaari ko muling balikan.

Ilang taon na ang nakakalipas ay nagtungo kami ng aking mga kamag-aral noong elementarya sa Pangasinan. Bumisita kami sa isang napakagnadang lugar at iyon ang Hundred Islands.

ganda!

ganda!

Paraiso na maituturing ang lugar na yun. Sa kabila ng modernisadong panahon ay papreserba ng ating mga kababayan sa gawin iyon ng luzon na mapanatili ang kalinisan ng dagat at ng mga isla. Sana may muling mag organisa ng pagpunta sa lugar na iyon. Namimiss ko na nag aking mga kamang-aral noong elementarya. Sa larawan ay inyong makikita ang paglubog ng araw at yan ay kinunan sa Hundred Islands.

PUP…ako po ay produkto ng isang pang mahirap na unibersidad. Hindi ko kinahihiya ang bagay na ito dahil sa institusyong ito nabuo ang aking pagkatao. Dito nilinang ko ang aking isipan sa mga bagay na kakailanganin ko pag labas ko ng kolehiyo. Minsan iniisip ng mga tao na ang PUP ay magulo…madumi…maingay…at walang katahimikan. Ngunit subikin ninyong magtungo doon at kayo mismo ang humusga.

pup-gen-2

pup-gen-3

pup-gen-4

pup-gen-1 (sa PUP itong mg apicture na to…ganda noh? kala nila panget ang loob ng PUP.)

team kapamilya ako!

team kapamilya ako!

ABS-CBN…hay! Nais ko man ang muling bumalik sa lugar na ito kahit kailan siguro di na mauulit ang pagkakataong iyon. Niluma na ng panahon ang mga nalalaman ko at naburo na sa tagal ang ginasang galing nung ako ay parte pa ng kumpanyang ito.

People Support ang sunod sa aking listahan.Hindi ako nagpeople-supporttrabaho sa kumpanyang ito ngunit naging malaki ang bahagi ng lugar na ito sa akingbuhay. Madalas akong nariyan noon upang puntahan ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Dyan konasubukang umiyak sa gitna ng daan…ang magmakaawa para sa kapatawaran…ang masaktan at mabigo at ang magmahal ng sobrang taos sa puso.

Pascual Bus lines..ito ang isa sa mga naging saksi sa sobrang pagmamahal ko… pascual-liner

ayala

Ayala ave… Matagal na naging parte ito ng buhay ko. Naging makati boy ata ako.hehehe Mahilig tumambay sa Mc Donalds Bankmer branch at gumala sa buong ayala business center. Nakakamiss mag lakad sa mg amall ng ayala.

Miss ko na ang mga bagay na ito…miss ko na…haist!  <sigh>

Ipinaskil ni: gco122386 | 02.20.09

ang tanung na kahit ako ay di ko masagot…

God help me!

God help me!

4:30 na! waaaaaaaaaah!

Yan ang nasambit ko ng ako ako magising kaninang umaga. 7:30am ang appointment ko para sa isang job interview sa isang internatinal  logistic company sa Parañaque. Medyo di ko gamulado ang lugar kaya  kailangan ko ang extrang oras upang makarating sa aking paruruonan. Naging maayos naman ang aking biyahe patungo sa sa Parañaque bukod nga lang sa saglitang pagkakaroon ng traffic.

Nakarating ako sa aking destinasyon sa tamang oras. Agad akong inasikaso ng taong katagpo ko at bingyan ng exam. 45 mins ang ginugol ko sa pagsagot sa pagsusulit na iyon at pagkatapos ay pinalabas ako at pinaghintay sa lobby. Makalipas ang ilang minuto muli akong tinawag at isinalang sa interview.
Mabait ang nagsagawa ng interview. Magaan ang dating ng kanyang mg atanung kaya naman maayos ko itong nasagot.

Pagkatapos ng mahigit isang oras na interview ay muli akong pinalabas at pinaghintay sa lobby at makalipas ang ilang ulit ay muli akong tinawag. Sa pagkakataong ito wala akong ka-ideideya kung ano ang mangyayari at nagulat nalang ako ng bigla nilang sinabai sa akin na gumawa ako ng power point presentation  sa loob ng 30 mins. at kailangan na mayronn itong sound effects na di makikita sa loob mismo na ppt file na naroon at kaialangang may kalakip itong video. Ang topic na ibinigay sakin ay tungkol sa aking sarili at kung papaano ko ipipikila ang aking sarili.

Natapos ko sa oras ang aking presentaion at pinasuri ito sa kanilang manager.  Pagkatapos nun ay isinalang agad nila akong para sa isang interview kasama ang HR manager ng kumpanya. Doon ko lamang nalaman na ang posisyong nais nilang paglagayan sakin kung ako ay papasa ay sa isang Training specialist position. Walang kaso sa akin kung yun ang kanilang gusto dahil sa parte pa rin naman ito ng HR team.

Pagkatapos ng interview ay pinaghintay ako sa looby at hintayin ko daw ang  sunod na gagawin ko. Ilang minuto ang lumipas ang lumabas ang isang HR personel at sinabihan ako na ipasa ang aking TOR or transcript of records at diploma bukas (Feb. 20,2009).

Ngayon ang tanung…pumasa ba ako? bakit di direktang sinabi na ako ay pumasa? bakit kailangan ko magpasa ng tor? parte na ba ito ng aking unang mga rekititos na dapat isumite?

Tanggap ba ako o hindi? di ko alam…ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA!

Ipinaskil ni: gco122386 | 02.18.09

two good things!

oo nga naman..di kami pwede!

oo nga naman..di kami pwede!

Una…Naayos na ang sound card ng pc ko! yehey! Salamat sa kaibigan ko na nag-ayos! Ang tagal ko hinitay ang pagkakataong maayos ang pc ko dahil talaga namang di ko ma-enjoy ang pag gamit ng internet ng walang audio! hay salamat! heheheh

Second…tumawag ulit si crush! Not just once…but twice! <yebah!> Ang sweet nya..yun nga lang, gaya ng sabi ko, di kami pwedeng maging magpartner dahil nga po may partner na sya at pinoy din at ako ay may partner din. hay! hehehe <may halong pagkadismaya? hehehe>

Older Posts »

Mga Kategoriya