Ipinaskil ni: gco122386 | 02.11.09

Ang panimula…

ayan ako...para di kayo nag iimagine...hehehehe

ayan ako...para di kayo nag iimagine...hehehehe

Di ko akalain na ngayon blogger na rin ako. Sa totoo lang wala akong hilig sa pagsusulat ng mga personal na kwento at mga kathang akda na ang nakikinabang sa tingin ko ay ang mga mambabasa lang. Natutunan ko ang paggawa nito sa aking kaibigan. Isang wierdong kaibigan na hanggang ngayon ay di ko pa nakikita o nakakusap man lang ng personal.

Hoy OTEP! ano na po? buhay ka pa ba? hehehe…

Mula ng makita ko ang blog na ginawa n’ya ay naengganyo akong gumawa rin ng aking sariling blog. Parang isang outlet ng mga problema at iba pang emosyong ating nararamdaman ang pag gawa ng blog. Wala akong balak na magpakadalubhasa sa ganitong bagay dahil ang mahalaga lang para sa akin ay ang mailabas ko ang aking saloobin at ang kahit papaano ay malibang ko kung sino man ang mga maliligaw sa blog ko na ito.

At bilang panimula ay hayaan ninyo akong ibahagi sa inyo ang karanasan ko sa pag aapply sa isang Road Management Company at isa ito sa di ko makakalimutang kumpanya na pinag applyan ko mula ng makagraduate ako sa kolehiyo.

Asahan ninyo na medyo madrama  ‘tong blog na ‘to dahil na rin sa pinagdadaan ko ngayon. Pero susubukin ko na maging mahinahon sa bawat salitang mababasa ninyo saking blog para naman di maging mabigat  ang dating ng aking mga akda.

Sa lahat ng mapapadaan at babasa sa mga akda ko eh sanay pagpasensyahan nyo na kung ano man ang mababasa ninyo…Di po ako PRO pagdating sa ganitong bagay…

Peace out guys!


Responses

  1. Very entertaining and very honest… so inviting to start writing a blog hehehehe

  2. wow nice blogs…………. keep it up.. put some vids too………

    -salamat po…daan ka po parati sa blog ko ha…muah!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: