Ipinaskil ni: gco122386 | 02.11.09

Sino ba sila?

ID pic na pamatay!

ID pic na pamatay! laki ng ibugs ko! waaaaaaaaaaaaaaah!

Maaga akong gumayak upang di mahuli sa nakaschedule ko na interview sa Makati. Naging ok naman ang biyahe ko yun nga lang dahil rush hour ay medyo matrapik sa kalsada. Nagawa ko pa ang makatulog habang nasa bayahe kaya naman pag dating ko sa lugar na aking patutunguhan ay fresh ang aking isipan. Mukhang napa aga yata ang pag dating ko dahil 9am pa ang schedule ko pero 8am palang ay nasa lobby na ko ng kumpayang iyon. Habang naghihintay ay nakipagkwentuhan muna ako sa mga applikante ring napapila. Tinanung nila ako kung ano ang inaaplyan ko na posisyon at sinagot ko naman with matching ngiti pa ang bawat tanung nila. Proud ako kasi ako lang ata ang nag aaplay para sa posisyong iyon. Nang sumapit ang 8:30am ay pinagfill-up na kami ng application form nung HR staff na andun. Pero ewan ko nga ba kung bakit natuon yung pansin ko sa lalaking nasa gawing kanan ko. Kanina ko pa kasi sya napapansin…una dahil wala syang kasama<loner mode>…at pangalawa bakit may glass of water sya kami wala…<di naman ako naiingit kasi may pangbili naman ako hehehehe>. Sa aking patuloy na pag oobserba ay nalaman ko na may backer pala si kuyang loner. Aba dun palang makikita mo na kung ganu katalamak sa mga pilipino ang Padrino system. Isang kultura ng mga pilipino na ewan ko nga ba kung san nagmula at sana di nalang nabuo.

At yun na nga…ako ang unang sumalang dahil maaga ko natapos yung application form. Maraming tanung…maraming mga follow-up question at ang ending pasado! kampante akong papasa ako dahil galing ako sa pagiging HR staff sa isang malaking kumpanya at ang sabi pa ng interviewer ay… “I want you! your honest. You’re really doing good!”  Sino ba naman di papalakpak ang tenga sa mga ganitong feedback ng interviewer.

Balikan natin si kuya na loner. Ayun,  ibang tao ang nag interview sa kanya pero mukhang di na sya mahihirapang makuha ang posisyon dahil may “backer” sya.

Pinag hintay ako sa lobby para sa second interview. At around 11:30am tinawag ang pangalan ko pero sa pagkakataong ito ay puno ng kaba ang dibdib ko. Pag upo sa harap ng 2nd interviewer ay alam ko na agad na iba ang dating n’ya  mukha s’yang mayabang at maaangas.

Sa unang tanung nya sakin kung alam ko ba ang pangalan ng kumpanyang iyon ay ang sabi ko ay “yes ______<pangalan ng kumpanya> sir” Agad nya akong sinopla! Mali daw ang aking sinabi. Sinubukan ko na ipaliwanag kung bakit yung ang panagalang aking ibinigay at ang sabi ko ay iyon ang binigay ng tumawag sakin, mula sa kanilang kumpanya, gabi bago ang araw na yun. Pero pinagmukha nya akong tanga at sinabi sa aking “Well this is not ______<pangalan ng kumpanya na binigay ng tumawag sakin>” at  ang sabi pang pahabol ay bakit daw ako nag aaply sa kumpanyang di ko man lang alam ang pangalan. Aba! eh di rin pala talaga makaintindi  ang mokong at gusto pa yatang ulitin ko na di sakin galing ang pangalang iyon kundi sa kanilang HR personel.

Pangalawang tanung….

Q: Why should we hire you?

A: You should hire me because of my flexibility. Blah  blah blah blah……

Maganda ang follow-up answer na ibinigay ko pero sa di nalamang kadahilanan ay bigla nyang sinabi na..”I don’t think that’s an advantage.” Nagulantang ako..di ko alam na ganun ang  magiging reaksyon nya. Ano bang sagot ang gusto nya. ‘di naman sa pagmamalaki pero alam ko namang sumagot ng mga ganitong tanung. Para san pa yung ilang buwan ng pagiging Recruitment staff ko? Nagmumukha akong tanga sa ginagawa nya! Karma ko ba ‘to?

Third question…..

Q:  Do you have any idea about the nature of our business?

A:  As far as I know, your company is like  _______<name of a similar company>

Incharge of managing the operations of _______ <pangalan ng highway>

Including the maintainance…blah blah blah….

Follow-up question: Maintainance? Including construction?

A: yes!

Q: So are you saying that we are a construction company?

A: No sir…your company is incharge of the maintainance including reconstuction but then again you are not a construction company.

Forth question….

Q: Know how to use computer?

A: Yes!

Q: What particular software?

A: Microsoft office…

Q: Like…?

A: Word, excel. PPT…

Q:  Really? So if I’ll  get a computer can you show me how to use those applications?

<sarcastic pa na tanung yun ha!>

A: yes sure!

Ano ba namang klaseng tanung yun? Hello galing ako sa isang BPO company…ano bang inaasahan nya? Araw araw ko kaharap ang computer sa opisina at sa bahay! At ang lubos na nakakapang-init ng ulo eh parang ayaw nya pa akong paniwalaan.

Mahirap ba talagang makintindi ‘tong taong ‘to?

Lahat ng sumunod n’yang tanung ay ganun din ang naging takbo. Question and answer at mahabang paliwanagan para na rin sa medyo tagilid nyang pag iisip.

Ang ending….tatawag sila sakin para sa requirements ko. <daw>

Pero sobra akong naiinis sa kanya dahil noon lang ako naging tanga sa harap ng interviewer. Sa edad ko ngayon nagkaroon na ko ng maraming trabaho at bigating kumpanya pa pero ni minsan di ako minaliit ng ganun.

Ito na siguro yung pinaka ‘di ko makakalimutang interview sa tanang buhay ko.

Ang yabang…eh di nga makapag english ng diresto yung mokong na yun…

Bakit ba may mga ganung tao? ‘di ba nila alam na di magandang ugali ng interviewer ang manopla ng mga aplikante? Alam ko na ang gusto lang nila ay ang makakuha ng mas malalim na sagot mula sa mga aplikante pero di dapat umabot sa punto kung saan halos dikdikin mo na ng pino at gisahin sa mga nakakarinding mga tanung ang mga aplikanteng ang nais lang naman ay mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng bagong trabaho at ipakita na may kaya silang magawa para sa kumpanya….

Bakit ganun sila? Sino ba sila?


Responses

  1. Relax Bro.. though your right.. di maiiwasan na may ganito sa Filipino Society.. pero lets not encourage ourselves ro be affected by this instead lets take it as a challenge.🙂

  2. noong bago pa akong graduate ….alam ko na ang mga kalakarang ganun…padrino system….malalim na nakaugat ito sa ating kultura…kaya nga I did choose to apply in private institutions…
    pero ngayon lang talaga ako naka-encounter ng ganoong tao…buti naman you did not stoop sa level nya….
    hayaan mo na bro. …ego tripper lang talaga ang mga ganyang klase ng tao (?). Kasi insecure siya…..heheheh
    good day…

    • naku di ko talaga sya makakalimutan…kung ayaw nya sakin eh di wag! hehehehehe salamt sa pag daan ha…daan ulit

  3. tae yung lalaking yun! dapat tinanong morin sya. pwede naman tanungin sya. kung bakit ganun sya umasta interviewer lang sya, at hindi sya ang may-ari ng kompanya… at kung ako yun tatawagin ko pa yung masmataas sa kanya para di na sya makapag interview… i will leave a comment for him na hindi sya karapadapat maginterview ng applicante dapat sa kanya dun sya sa police station mag interview ng mga pusakal na tulad nya…

  4. Tama ka Sir JOJO…. Walang magawang matino ang mga ganyang tao… Akala kasi nilamataas na sila kasi sila ang nag iinterview… Pero sa toto lang pag ganun umasta ang nag iinterviewibig sabihin wala pa itong napapatunayan sa buhay…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: