Ipinaskil ni: gco122386 | 02.12.09

nasayang na araw…

sad

ang cute ng dog..pero sad sya...

Lumubog na naman ang araw at kasabay nun ang paglubog ng isang araw ng pag-asa na makahanap ako ng trabaho. Buong araw ang ginugol ko sa paghahanap ng trabaho sa internet at halos magreklamo na sa akin ang computer na gamit ko dahil sa walang patid kung pagtipa at paghagilap ng mga posibleng trabaho na maaaring mapasukan. Maraming trabaho…libo-libo… pero ilan lang ang nababagay sakin..ilan lang ang maaaring sumakto sa mga kwalipikasyon ko dahil lahat sila, syempre, may mga reketitos na hinahanap.

‘di ko naiisip na ganito kahirap maghanap ng trabaho sa ngayon. Noon….ako ang tumatanggi sa trabaho…ngayon ako na ang humahabol. Bilog nga naman ang mundo. Pero aasa ako na sa muling pag-inog nito ay ako naman ang magbubunying muli. Trabaho andito na ko! Angkinin mo ako…ako ngayo’y iyong iyo…<asa>

Type rito…type dun…hay! Isang araw na walang kapararaan. Sana bukas… o sa makalawa…o sa isang linggo ay may tumawag naman sakin o may magsabing may trabaho na ko. Pansamantala, buburuhin ko muna ang sarili ko sa mga bagay na mas makakapagpabuti sa akin…sa aking pagkatao…

ps: salamat ng pala kay josh…ang mahiwagang kachat ko kanina…naaliw ako…hehehehe


Responses

  1. hehehe.. think positive! that’s the spirit!🙂 anu connection nung dog?? dhil ba sad ka kc sad din ung dog??? di kaya.. gnyan lng tlga ung mukha nya.heheehhe

  2. WOW..una sa lahat type ko yung aso…yan talaga gusto before pa ako napadpad dito sa europa….tingin ko ang saya-saya nya nga eh……depende talaga kung pano mo titingnan…

    ganun ang buhay…ngayon wala ka…..baka bukas meron …sabi nga ni pareng Joshua think positive.hehehe

    kung wala kang magawa may invites ako sa iyo sa blog ko….

    bluguy ‘to….

    hehehe…salamat sa palagiang pagdaan po ha…

  3. ok lang dadaan at dadaan ako kasi nag-eenjoy naman ako..hehehehhe sana ikaw din dumaan please…heheheheh ganun ako kadesperate…..toinks!

  4. anu ka ba.. hehe.. darating din yun when you least expect it.. oo.. alam ko ganun yun eh ^^ ehehe..

    happy hearts day na lang muna!😀

    –gudang!

    –di ba ang gudang eh sigarilyong may marijuana?

  5. cute ng aso.. aso mo?

    -opo…hehehehe…nakikiramay po sakin…

  6. ah okey aso mo pala🙂

    ganda ng post mo! punong puno ng pag-asa. “buburuhin ko muna ang sarili ko sa mga bagay na mas makakapagpabuti sa akin.. sa aking pagkatao..”
    ang galing..tuloy mo lang🙂

    sana ay makakuha ka na ng trabaho, Goodluck🙂 add kita

    -sandi di ko aso yun..biro lang..hehehe alam ko cute yung aso pero di ko pwedeng angkinin hehehe…salamat po sa mga comments…Naisip ko kasi kung tatambay lang ako ay walang gagawing produktibong bagay ay masasayang lang ang oras ko…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: