Ipinaskil ni: gco122386 | 02.13.09

ang lalaking mabait at ang babaeng makupad…

afplogo

Maaga pa ay laman na ako ng kalsada. May  usapan kasi kami ng aking mabait na ina na magkikita upang asikasuhin ang pensyon ng aking ama. Matagal na ang planong ito at para sa kaalaman ng iba ay limang taong ng pumanaw ang aking ama at ngayon lang namin nabigyan ng oras ang planong ito.

Upang mabilis na makarating sa aming paruruonan ay pinili naming sumakay sa MRT. Halos ilang buwan na ring akong di nakakasakay sa nakakaaliw na pampublikong tren na ito. Nasabi ko na nakakaaliw ang pagsakay sa MRT dahil sa kada sakay ko rito ay bumababa ako ng may baong bagong kaalaman na natutunan ko sa pakikining sa mga simple ngunit kapupulutan ng aral na mga anunsyo.

Dahil sa Kampo Aguinaldo ang aming tungo ay  sa Santolan Station ng MRT kami bumaba at lumakad papuntang kampo. Mula sa gate ng kampo ay aming nilakad ang daan patungo sa opisinang aming patutunguhan. Maaga pa kaya naman di pa gaanung kaalinsanganan. 2 taon <mula nung ojt ko nung kolehiyo> na akong di nakakatungtong ng kampong ito ngunit parang wala pa ring pinagbago..medyo niluma lang ng panahon ngunit walang bago.

Narating namin ang opisina ng NRD. Isang non-record department ng AFP kung saan kinukuha ang ilang dokumentong kailangan para sa pagkuha ng pensyon. Saktong 8:03am kami ng nakarating doon. Hintay…hintay…hintay…gutom na ako dahil di pa ako nag-aalmusal. Pumatak ang 9:00am ngunit di pa rin nagsisimulang magtawag ang mga empleyadong naroon. Ngunit ang ikinayayamot ko ay ang makita ang mga taong dapat sana ay umaasiste sa amin na nagsusuklay, nagkwekwentuhan, nagmemeryenda, nagkakape…at ilang mga bagay pang walang katuturan! Isang babae ang aming hinihintay na magtawag. Siya ang nakatoka para sa aming sadya. Sobrang kupad kumilos! Sabi ko nga sa aking sarili. “Dapat kasi palitan lahat ng mas bata ang nga empleyadong naririto upang bumilis ang takbo ng proseso.”

10:30am na nang nagsimula ang pagtatawag. Biruin mong dalawang oras at kalahati ang nasayang na oras dahil sa kanilang paghuhuntahan. Hay! di na ba talaga mawawala ang ganito sa mga government offices sa pilipinas!

Ang tanung ko ngayon…sa laki ng tax na kinakaltas sa sahod ko kada buwan, dito nga ba ito napupunta? Parang walang pinatutunguhan ang mga ibinabayad ng mga tao sa mga serbisyo na dapat ay mabilis at episyente.

Matapos ang ang sadya sa opisinang iyon ay nagtungo kami sa Kagitingan hall dahil dun ipoproseso ang susunod na papeles.

Mahabang lakaran mula sa unang opisina tungo sa Kagitingan hall.

Lakad…lakad….lakad…

Narating namin ang Kagitingan hall. WOW! yan ang bagay na teminolohiya para sa mga taong nagtatrabaho sa opisiang yun. Makikita mo na sobrang bilis nilang magtrabaho kaya naman wala pang 15 minutes natawag na agad kami kahit pa maraming taong nakapila. Nagpapasalamat ako sa umasite sa amin dahil tinuruan nya kami sa mga kung ano pa ang dapat gawin. Yun ang magandang serbisyo! With extra mile ika nga!

Pagkatapos ng lahat kami ay nagtungo na sa sakayan pauwi…Natapos ang isang araw ng date ko sa aking ina…lol!

ps: sino pwede ko maging nurse? pag-uwi ko sumama ng husto pakiramdam ko…

Philippines Arroyo

ang Bayaning walang monumento





Responses

  1. Ano ba yan? monumento ng kawalang-pag-asa yan!!! hindi justifiable!!! Hahahahahha


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: