Ipinaskil ni: gco122386 | 02.20.09

ang tanung na kahit ako ay di ko masagot…

God help me!

God help me!

4:30 na! waaaaaaaaaah!

Yan ang nasambit ko ng ako ako magising kaninang umaga. 7:30am ang appointment ko para sa isang job interview sa isang internatinal  logistic company sa Parañaque. Medyo di ko gamulado ang lugar kaya  kailangan ko ang extrang oras upang makarating sa aking paruruonan. Naging maayos naman ang aking biyahe patungo sa sa Parañaque bukod nga lang sa saglitang pagkakaroon ng traffic.

Nakarating ako sa aking destinasyon sa tamang oras. Agad akong inasikaso ng taong katagpo ko at bingyan ng exam. 45 mins ang ginugol ko sa pagsagot sa pagsusulit na iyon at pagkatapos ay pinalabas ako at pinaghintay sa lobby. Makalipas ang ilang minuto muli akong tinawag at isinalang sa interview.
Mabait ang nagsagawa ng interview. Magaan ang dating ng kanyang mg atanung kaya naman maayos ko itong nasagot.

Pagkatapos ng mahigit isang oras na interview ay muli akong pinalabas at pinaghintay sa lobby at makalipas ang ilang ulit ay muli akong tinawag. Sa pagkakataong ito wala akong ka-ideideya kung ano ang mangyayari at nagulat nalang ako ng bigla nilang sinabai sa akin na gumawa ako ng power point presentation  sa loob ng 30 mins. at kailangan na mayronn itong sound effects na di makikita sa loob mismo na ppt file na naroon at kaialangang may kalakip itong video. Ang topic na ibinigay sakin ay tungkol sa aking sarili at kung papaano ko ipipikila ang aking sarili.

Natapos ko sa oras ang aking presentaion at pinasuri ito sa kanilang manager.  Pagkatapos nun ay isinalang agad nila akong para sa isang interview kasama ang HR manager ng kumpanya. Doon ko lamang nalaman na ang posisyong nais nilang paglagayan sakin kung ako ay papasa ay sa isang Training specialist position. Walang kaso sa akin kung yun ang kanilang gusto dahil sa parte pa rin naman ito ng HR team.

Pagkatapos ng interview ay pinaghintay ako sa looby at hintayin ko daw ang  sunod na gagawin ko. Ilang minuto ang lumipas ang lumabas ang isang HR personel at sinabihan ako na ipasa ang aking TOR or transcript of records at diploma bukas (Feb. 20,2009).

Ngayon ang tanung…pumasa ba ako? bakit di direktang sinabi na ako ay pumasa? bakit kailangan ko magpasa ng tor? parte na ba ito ng aking unang mga rekititos na dapat isumite?

Tanggap ba ako o hindi? di ko alam…ABANGAN ANG SUSUNOD NA KABANATA!


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: