Ipinaskil ni: gco122386 | 02.22.09

miss ko…sobra…

Ang dami na palang nagdaan..ang dami na palang mga bagay ang lumipas ng di ko namamalayan…May mga bagay na napakasarap balikan at may mga bagay din namang di mo na hahangarin pang muling sulyapan.

Ngayon ay dadalhin ko kayo sa mundo kung saan minsan ay naging parte ng buhay ko. Ilang mga lugar at pangyayari na di ko makakalimutan at mga bagay na sana maaari ko muling balikan.

Ilang taon na ang nakakalipas ay nagtungo kami ng aking mga kamag-aral noong elementarya sa Pangasinan. Bumisita kami sa isang napakagnadang lugar at iyon ang Hundred Islands.

ganda!

ganda!

Paraiso na maituturing ang lugar na yun. Sa kabila ng modernisadong panahon ay papreserba ng ating mga kababayan sa gawin iyon ng luzon na mapanatili ang kalinisan ng dagat at ng mga isla. Sana may muling mag organisa ng pagpunta sa lugar na iyon. Namimiss ko na nag aking mga kamang-aral noong elementarya. Sa larawan ay inyong makikita ang paglubog ng araw at yan ay kinunan sa Hundred Islands.

PUP…ako po ay produkto ng isang pang mahirap na unibersidad. Hindi ko kinahihiya ang bagay na ito dahil sa institusyong ito nabuo ang aking pagkatao. Dito nilinang ko ang aking isipan sa mga bagay na kakailanganin ko pag labas ko ng kolehiyo. Minsan iniisip ng mga tao na ang PUP ay magulo…madumi…maingay…at walang katahimikan. Ngunit subikin ninyong magtungo doon at kayo mismo ang humusga.

pup-gen-2

pup-gen-3

pup-gen-4

pup-gen-1 (sa PUP itong mg apicture na to…ganda noh? kala nila panget ang loob ng PUP.)

team kapamilya ako!

team kapamilya ako!

ABS-CBN…hay! Nais ko man ang muling bumalik sa lugar na ito kahit kailan siguro di na mauulit ang pagkakataong iyon. Niluma na ng panahon ang mga nalalaman ko at naburo na sa tagal ang ginasang galing nung ako ay parte pa ng kumpanyang ito.

People Support ang sunod sa aking listahan.Hindi ako nagpeople-supporttrabaho sa kumpanyang ito ngunit naging malaki ang bahagi ng lugar na ito sa akingbuhay. Madalas akong nariyan noon upang puntahan ang isa sa pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Dyan konasubukang umiyak sa gitna ng daan…ang magmakaawa para sa kapatawaran…ang masaktan at mabigo at ang magmahal ng sobrang taos sa puso.

Pascual Bus lines..ito ang isa sa mga naging saksi sa sobrang pagmamahal ko… pascual-liner

ayala

Ayala ave… Matagal na naging parte ito ng buhay ko. Naging makati boy ata ako.hehehe Mahilig tumambay sa Mc Donalds Bankmer branch at gumala sa buong ayala business center. Nakakamiss mag lakad sa mg amall ng ayala.

Miss ko na ang mga bagay na ito…miss ko na…haist!  <sigh>


Responses

  1. masarap balikan ang mga ala-ala lalo na pagnag-iwan ito ng marka sa ating pagkatao. katulad mo naging makati boy din ako…sa parteng buendia….

    good day

    _wow great! pasulpot sulpot ka po? hehehehe

  2. nakaka tuwa naman..

    balang araw gagawa rin ako nito..

    bilang isang pup grad, naniniwala ako sa sinabi mo..

    good luck!!..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: