Ipinaskil ni: gco122386 | 05.14.09

May dragon din ba sa opisina nyo?

Hindi ko na kaya! huhuhu

Kada papasok ako eh ang bigat bigat ng pakiramdam ko! Sobrang iba talaga yung pakiramdam pag nasa opisian ka at ang amo mo eh walang konsidersyon, Jologs,mahadera, palengkera,laitera pero mismong sya di kaigaigaya ang itsura at higit sa lahat eh dunong dunungan!

Oo nag aral sya sa New hamshire University pero di ko sya makitaan ng kahit konting talino sa kung papaano sya makitungo sa amin.hay nakakahigh blood! Di na ko nag tataka ngayon kung bakit halos lahat ng empleyado nya eh nag reresign. Halos every month eh may nag reresign! at isa lang ibig sabihin nun,hindi sya feel ng mga empleyado.bwuhahahaha!

Pag papasok ako inisip ko na lang na sa bawat pag bukas ko ng pintuan ng  opisina ay isang magandang tanawin at payapang lugar ang aking papasukin.

Noong una palang talagang bagot na bagot ako pag nasa opisina pero nakahanap ako ng solusyon para dito. Una, sinusulat ko lahat ng sinasabi ng boss namin at pag katapos eh titignan ko lahat ng mali sa sinabi nya. Parati kasi syang wrong grammar mag-english gaya ng “Have you already  done that before?” hahaha…di ba? Kumusta naman yun! Mapapatumbling ka talaga pag narinig mo sya mag-english. Ito pa ang isa “he keep on calling” Ang unang pag kakamali, babae yung tinutukoy nya, pangalawang kakamali, ang basic rule sa english grammar ay di nasunod. Dapat pag ang subject ay singular dapat singular din ang verb! yan ba ang nag-aral sa isang prestigious school ek ek? Eh buti pa pala sa school na pinanggalingan ko eh itinututro yung mga ganung bagay.

Aliw na aliw ako pag nag sasalita sya kasi alam ko na marami akong maisusulat na mga mali sa sinsabi nya. At dahil dun tawa kami ng tawa ng mga kasamahan ko sa trabaho. hahahaha…nag karoon tuloy kami ng libangan! hehehe…

pangalawang libangan ko ay ang titigan sya parati dahil kamukha nya si eugene domingo kaya pag nakikita ko sya eh aliw na aliw ako sa itsura nya. Napapangisi ako pag nasisiliyan ko sya. hehehe….

pang 3rd na libangan ko ay ang magTOoooooOOOOT…hehehe…censored! hehehe…wala lang! Since di ko magawa sa bahay kasi wala ng time eh sa opisina pwede namang magwa eh at pampagising pa yun. Hehehehe..

Pang apat na gawain ko sa opisina ay ang mag internet! as in todo internet! Skype…skype…skype…hehehe…ayoko ng ym..wala akong true friend dun…hihihi…

Masaya kami sa opisina…as in masaya…pero sana wala sya parati kasi sya lang talaga ang di namin gusto sa opisina…Ang dami naming natatapos pag wala sya…..at sana parati syang wala…


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: