Ipinaskil ni: gco122386 | 07.04.09

my final post….

nanghihinayang ako…pero wala rin naman ng silbi…(as if may maaapektuhan..) mula ngayon….di na ako mag popost ng kahit ano sa blog site na ito. Alam ko wala namang mag rereact kasi di naman ako sikat sa site na to…hehehe (di ako bitter ha) Maraming rason pero di ko pwedeng sabihin kasi komplikado…

Salamat sa lahat ng dumalaw sa munting blog ko…nag papasalamat ako sa lahat ng taong kahit papaano eh nakausap ko dahil sa blog na ito. Kahit sandali lang yun eh di ko kayo malilimutan…andun kayo noong mga panahong itong blog lang na ito ang karamay ko sa lahat ng mabibigat na bagay na pinagdaanan ko….Salamat sa mga nag-comment sa mga post ko…

Iba pala ang pakiramdam kapag pinipilit mong labanan yung nararamdaman mo…ang hirap pala pag gusto mo ng mag paalam pero ayaw mo naman talaga… Ang sarap sa pakiramdam nung nabuo ko itong blog page na ‘to pero mas nakakalungkot na kailangan ko na syang iwan.

Bago matapos ang lahat gusto ko pong magpasalamat  sa taong nag dala sakin sa blog site na ito…kung hindi dahil sa kanya wala ‘tong blog ko na to…papangalanan ko pa ba? hehehe…Otep salamat! Hayaan mo tinandaan ko lahat ng bilin mo…pati yung pinagawa mo natapos ko na…Salamat parekoi ha… Pag may kailangan eh alam mo na kung paano ako hahanapin.

Ang sama tuloy sa pakiramdam ko…haist!  Bye po…till our road meet somewhere else again…

di ko binura…sayang eh…hayaan ko lang na open pero di ko na gagamitin…

ang aking mga kwento….now signing off..


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s

Mga Kategoriya

%d bloggers like this: